Nasa kabuuang 584 na hindi mga lisensyadong baril ang nakumpiska ng PNP Supervisory Office on Security and Investigation (SOSIA) sa kanilang pinaigting na inspection sa loob ng anim na buwan.
Sakop nito ang buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Kanina ipinakita sa Camp Crame ang samu’t-saring mga baril na galing sa mga guwardya sa Metro Manila.
Ayon kay Police Col. Sydney Villaflor, hepe ng SOSIA, nasa 300 percent ang itinaas ng mga baril na kanilang nakumpiska sa kanilang post-inspection.
Sinabi ni Villaflor, paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang kasong kinakaharap ng mga gwardya dahil sa kawalan ng lisensya.
Posibleng mahaharap din sa reklamo ang mga security agency subalit depende naman ito sa dami ng kaso na kinasasangkutan ng kanilang gwardya.
Samantala, sinabi naman kanina na Joint Task Force COVID Shield Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na may nakumpiska rin ang SOSIA na “kambal” na baril.
Ito ang baril na pareho ng serial number.
Babala ni Eleazar bawal ang tampering dahil isa itong kasong kriminal na nakapaloob sa section 34 ng RA1059.
I-turn over ang mga baril sa PNP Crime Laboratory at Firearms and Explosives Office.