-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakapagtala na ng stranded passengers sa Pasacao Port, Pasacao sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Petty Officer 1st Class Graciano Cañeba, station commander kan Philippine Coast Guard (PCG)-CamSur, sinabi nitong umabot sa 107 ang bilang ng mga stranded passengers ngunit ang kalahati sa mga ito ay napilitan munang umalis.

Ang iba naman ay nakituloy na muna sa kanilang mga kamag-anak.

Ayon kay Cañeba, bagama’t kalmado pa naman ang karagatan ngunit dahil nakataas na gale warning sa karagatang sakop ng lalawigan kung kaya otomatikong kinansela ang biyahe.

Ang naturang mga pasahero ay pawang mga patungong Masbate.

Samantala, mahigpit naman ang panawagan ng PCG sa mga mangingisda na mag-ingat at huwag na munang maglayag para maiwasan ang mga aksidente sa gitna ng karagatan.