CEBU CITY – Taos-pusong sinalubong ng mga kapitbahay ang 51 COVID-19 patients mula sa Barangay Luz, sa lungsod ng Cebu, matapos gumaling mula sa virus.
Ayon sa tagapagsalita ng Cebu City Government na si Atty. Rey Gealon, nag-double negative umano sa coronavirus ang mga pasyente matapos na makumpleto ang 21-day quarantine period.
Nagmula sa Sitio Zapatera ang karamihan sa mga gumaling matapos na na-isolate noong Abril sa itinalagang Barangay Isolation Center.
Tiniyak naman ni Gealon na patuloy ang monitoring at pag-disinfect sa nasabing sitio upang maiwasan ang nakamamatay na virus.
Umaasa ngayon ang pamahalaan ng lungsod na mararanasan din ng mga nasa ibang barangay ang matagumpay na laban ng mga pasyente sa COVID-19.
Nasa 1,765 ang nahawaan ng COVID-19 sa Cebu City kung saan 16 ang namatay at 104 naman ang gumaling at dineklarang laboratory negative.