-- Advertisements --

1tubaran4

Higit 50% ang voters turn-out sa Tubaran,Lanao del Sur special elections; sitwasyon nananatiling normal – PNP

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Directorate for Operations (DO) PMGen. Val De Leon, kaniyang sinabi na maayos ang naging botohan sa 12 barangays sa bayan ng Tubaran.

Walang naitalang mga untoward incidents simula ng magbukas ang mga presinto kaninang alas-6:00 ng umaga.

-- Advertisement --

Nasa mahigit isang libong mga tropa mula sa PNP at AFP ang idineploy sa bayan ng Tubaran para matiyak na maging maayos at mapayapa ang halalan.

1tubaran6

Batay sa monitoring ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) as of 1PM kanina ang voters turn-out sa Barangay Buribid ay nasa 62.5% out of 968 voters nasa 605 ang bumuto.

Sa Barangay Tangcal nasa 53% ang voters turn-out, sa 5290 registered voters nasa 2804 lamang ang bumuto.

Habang sa Tubaran proper nasa 51% ang voter’s turnout out of 777 registered voters 396 ang bumuto.

Mga tauhan ng PNP ang nagsilbing electoral boards sa isinagawang special elections.

Samantala, todo ang bilin ni PRO-BAR Regional Police Director BGen. Arthur Cabalona sa kaniyang mga tauhan na nagsilbing mga electoral boards na panatilihin ang pagiging neutral sa trabaho para maiwasan ang kahalintulad na insidente nuong May 9, 2022 national and local elections hinggil sa kumalat na video na pinupunit ng dalawang pulis ang mga balota sa Cotabato City.