Pumalo na sa mahigit 5 million Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sa 15.6 million doses ng bakuna na naiturok ng pamahalaan, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na 10,585,261 million katao ang naturukan na ng first dose habang 5,031,301 naman ang tapos na sa second dose hanggang kahapon, Hulyo 20.
Nabatid na dahil dito ang vaccination rate ng pamahalaan sa ngayon ay pumapalo na sa mahigit 280,000.
Kaya naman hinihimok pa rin ni Roque ang mga Pilipino na magpabakuna na sa lalong madaling panahon para mapalakas din ang kanilang proteksyon laban sa virus lalo na ngayong mayroong banta ng mas nakakahawang Delta variant.
Tiniyak naman nito sa publiko na ang mga bakunang available ngayon sa bansa kontra COVID-19 ay epektibo kahit sa Delta variant.