Nasa kabuuang 5,151 police officers na ang na dismissed sa serbisyo dahil sa iba’t ibang offenses mula noong 2016 bilang resulta sa pinalakas na intensified internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, as of June 16,2021 na datos ng PNP nasa kabuuang 18,664 police personnel ang naparusahan dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan.
Sinabi ni Eleazar karamihan sa mga nasibak sa serbisyo na mga pulis ay sangkot sa kasong grave misconduct, serious irregularities, at ibang criminal activities.
Habang ang iba naman ay binigyan ng disciplinary sanctions.
Kabilang sa mga penalties ay demotion in rank, suspension, forfeiture of salary, reprimand, restriction to quarters, and withholding of privileges.
Ang pagpaparusa sa kanilang mga pasaway tauhan ay patunay na hindi kinukunsinti ng PNP leadership ang kanilang maling gawain.
Siniguro ni Eleazar sa publiko, mananagot ang mga pulis sa kanilang mga nagawang kasalanan.
Binigyang-diin din ni PNP chief na hindi niya palalagpasin ang mga nagawang operational lapses ng mga pulis sa kanilang anti-criminality operations at siguradong mananagot din ang mga ito lalo na ang nangyaring pagkasawi ng 16-anyos na si Johndy Maglinte sa ikinasang anti-drug operation sa Biñan City, Laguna noong June 16.
Bukod sa teenager napatay din sa nasabing operasyon ang high value drug target na si Antonio Dalit.
Gumugulong na ang imbestigasyon hinggil sa insidente dahil ayon sa pamilya Maglinte sinadyang patayin ang dalawa ng mga police operatives.
Bukod sa PNP, iniimbestigahan na rin ng CHR ang nasabing insidente.
Samantala, hinimok ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag imbestiga na rin sa nasabing kaso para maalis na rin ang pagdududa ng publiko na ang nasabing insidente ay isang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon kay Ano, nais niyang malaman ang punot dulo ng insidente kaya inatasan niya ang PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Siniguro ng kalihim na agad nilang ilalabas ang resulta ng imbestigasyon.