-- Advertisements --
gensan

GENERAL SANTOS – Inihatid sa lungsod ng Kidapawan ang 40 na mag-aaral matapos ma-stranded sa lungsod ng General Santos.

Kung maalaala nagsimula na ma-stranded ang mga nasabing mag-aaral dahil sa ipinatupad na enchanced community qurantine (ECQ).

Mahigit dalawang buwan nang hindi nakauwi sa kani-kanilang tahanan ang mga nasabing mag-aaral.

Napag-alamang aalis na sana ang mga sasakyan na lulan ang mga estudyante nang dumating ang sasakyan na ipinadala ng local government unit (LGU) ng Kidapawan kayat lumipat ang mga ito at doon na lamang sumakay.

Bahagi ito ng Balik Probinsiya program na ipinatupad ng Department of Interior and Lcaol Government (DILG) dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.