Mahigit 40,000 military at civilian personnel ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nabakunahan na kontra COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabuuang 40,059 DND at AFP personnel ang nakatanggap na ng anti-COVID shot.
Katumbas ito ng 26.6 percent ng kanilang kabuuang populasyon.
Pag-amin nito, nakausap niya ang vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., para sabihan na kung puwede ay mabigyan na ng bakuna ang AFP upang matapos na ang pagbabakuna sa armed forces.
Pagkatapos ng active military personnel, isusunod na aniya nila ang pamilya ng mga ito.
Kung maaalala sa mga nakalipas na araw, naantala ang vaccination program ng pamahalaan dahil din sa delayed delivery ng mga bakuna.
Katunayan hanggang nitong Martes, wala pang dumarating na panibagong supply ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.










