-- Advertisements --

Kabuuang 40,875 sa 123,499 persons deprived of liberty (PDLs) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon sa DILG.

Ang bilang na ito ay kumakatawan sa 33 percent ng fully vaccinated nang BJMP inmates.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, aabot naman sa 75,970 PDLs o 61.5 percent ang first dose pa lang ang natatanggap.

Iginiit ni Año na nasa puso ng BJMP ang pagbibigay ng proteksyon sa mga PDLs sa pamamagitan nang pagbibigay ng bakuna sa mga ito kontra COVID-19.

Lahat aniya ay deserving na maprotektahan kontra COVID-19, kabilang na ang mga PDLs na kailanman ay hindi rin naman kinonsidera ng DILG bilang second-class citizens.

“As part of our commitment, we will not stop until all the PDLs detained in BJMP-supervised jails have been fully vaccinated,” ani Año.