-- Advertisements --

Pumapalo sa 4,488 guro ang apektado matapos na suspendihin ng 865 private schools ang kanilang operasyon para sa nalalapit na pasukan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Usec. Jesse Mateo na ang mga apektadong guro at iba pang school personnel ng mga private schools na ito ay makakatanggap ng tulong sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Base sa lates data ng DepEd, ang enrolment rate sa mga pampublikong paaralan hanggang noong Lunes, Setyembre 14, ay pumapalo na sa 98.85 percent, habang ang sa mga private schools naman ay 48.32 percent.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ang private education sector ang pinaka-apektado ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang ipinaliwanag ni Mateo na sinuspinde ng mga pribadong paaralan ang kanilang operasyon dahil sa kakulangan ng kapasidad na makapag-comply sa minimum health standards at mababang enrolment rate.

Nasa 398,933 estudyante na kasi mula sa mga private schools ang lumipat sa mga pampublikong paaralan, ayon sa DepEd.