-- Advertisements --

Mahigit 4.7 million na raw na mga Ukrainians ang umalis sa kanilang bansa sa loob ng 50 araw mula nang lusubin ng Russia ang Ukraine.

Ayon sa Unitend Nations (UN), itinuturing ito ngayong Europe’s fastest-growing refugee crisis mula noong World War II.
Sa data ng UN refugee agency UNHCR nasa kabuuang 4,736,471 Ukrainians ang lumikas na sa kanilang bansa mula nang lusubin ang kanilang bansa ng Russia noong Pebrero 24.

Nadagdagan ito ng 79,962 na bilang noong Miyerkules.

Karamihan sa mga tumakas na sa kaguluhan sa Ukrain ang mga kababaihan at mga bata.

Katumbas ito ng 90 percent ng mga umalis sa Ukraine na may edad 18 hanggang 60 na elligible para sa military call-up at hindi nakaalis doon.

Nasa two-thirds daw sa lahat ng Ukrainian children ang puwersahang umalis sa kanilang mga tahanan kabilang na ang mga batang nasa loob pa rin ng naturang bansa.