-- Advertisements --

Sasailalim muna sa mahigpit na facility-based quarantine at subject sa RT-PCR test para sa Coronavirus disease (COVID-19) ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) na dumating sa bansa mula United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang 347 Filipinos sa Dubai ay dumating sa Davao City sa pamamagitan ng chartered flight.

Dahil dito, nasa 6,230 na ang bilang ng mga repatriated OFWs mula UAE mula nang mag-umpisa ang pandemic noong nakaraang taon.

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, mula Hunyo hanggang Setyembre ay nasa 14 na special flights ang inilunsad ng ahensiya para mapauwi na ang mga distressed OFWs.

“The latest arrival concludes the DFA’s efforts to alleviate the situation of distressed Filipinos in the UAE. Between June and September, the DFA launched fourteen special flights and managed to bring home thousands of our kababayans home. At this juncture, I wish to convey our thanks to the UAE for the assistance extended to our Embassy in Abu Dhabi and our Consulate General in Dubai. Both our posts worked tirelessly to ensure the success of our repatriation efforts,” ani Arriola.

Pagdating naman ng naturang mga OFWs ay agad silang tinulungan ng regional consular office ng DFA sa Davao maging ang Davao One-Stop Shop.