-- Advertisements --
Panibagong mahigit 300 mga Pinoy mula sa United Arab Emirates (UAE) ang dumating sa bansa.
Ang 320 na mga OFW ay sakay ng Cebu Pacific na lumipad mula sa Dubai.
Ang mga ito ay una nang nanawagan ng tulong sa gobyerno na makabalik ng Pilipinas sa gitna ng travel restrictions ngayong pandemya.
Ito na ang ika-4 na Bayanihan flight pauwi ng Pilipinas ng nasabing airline mula nang magkaroon ng travel ban sa UAE noong buwan ng Mayo.
Ang daan daang mga OFW ay sasailalim muna sa mahigpit na guidelines na 14 na araw na quarantine sa isang accredited na pasilidad at sasailalim din sa swab test pagkatapos ng pitong araw.
Sinasabing sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang accommodations ng mga OFW at sa kanilang COVID-19 testing.