-- Advertisements --

Pinabalik na ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang bansa ang mahigit 300 Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa Palawan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang 294 na banyagang pina-deport ay bahagi ng 329 na naarestong illegal aliens sa walong hotels at establishments noong Setyembre 16.

Naaresto ang mga banyaga sa pamamagitan ng BI Intelligence agents sa tulong ng Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM).

Ayon kay Fortunato Manahan, Chief Intelligence Division ng Bi, ang mga illegal alien ay naaresto dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng pananatili nila sa bansa para magtrabaho.

Aniya pito rin sa mga nahuli ay mga menor de edad na agad namang itinurn over ng BI sa Chinese Embassy.

Kabilang daw ang mga ito sa mga pinauwi ngayong araw sa kanilang bansa.

Dagdagdag ni Manahan, ang mga pasaporte raw ng mga napauwing Chinese na nasa kabuuang 301 ay kinansela na ng Chinese government dahilan para ideklara ang mga itong undocumented aliens.