-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 32 foreign nationals na tinaguriang high-risk foreigners ang hindi pinayagang makapasok sa bansa .

Kinumpirma ito ng pamunuan ng Bureau of Immigration ngayong araw.

Ayon sa ahensya, ang numerong ito ay naitala mula nang ipatupad ang Advance Passenger Information System ngayong taon.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado, ang Advance Passenger Information System ay gumagamit ng United Nations’ (UN) goTravel Air Software Solution ay ipinatupad noong Marso.

Sa pamamagitan ng naturang sistema, nasusuri ng mga tauhan ng BI ang mga inbound travelers bago paman sila dumating sa bansa.

Pinalalakas rin nito ang national security sa pamamagitan ng mas maagang detection ng banta sa seguridad.

Binigyang diin naman ni Viado na nananatiling committed ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng mga proactive approach alinsunod sa direktiba ni PBBM.