ILOILO CITY – Hinuli ng otoridad ang 39 na mga commercial sex workers sa Iloilo City matapos lumabag sa ipinatutupad na health protocols.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMaj. Mark Evan Salvo, hepe ng Iloilo City Police Station 1, sinabi nito na nilabag ng mga sex workers ang City Ordinance 2014-377 na nagbabawal sa anumang uri ng prosistusyon kapalit ng pera.

Ayon kay Mayor Salvo, pagdating sa police station, isinailalim sa counselling ang mga ito.

Umaasa naman ang hepe na hindi na babalik pa sa nasabing uri ng trabaho ang mga nahuli lalo na’t malaki ang posibilidad ng hawaan ng COVID-19.