Isinailalim sa 14-day lockdown ang 33 barangay at isang business establishment sa lungsod ng Pasay bilang parte ng “control and containment” strategy nito para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang mga barangay na isinailalim sa lockdown ay ang mga Barangays 28, 29, 32,40, 57, 58, 66, 68, 71, 76, 81, 95, 98, 100,107, 109, 118, 122, 132, 135, 136,143, 155, 159, 162, 175, 177, 178, 183, 190, 192, 201.
Sinabi ni City Administrator Dennis Acorda na ginawa ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang hakbang na para i-contain ang virus sa mga barangay na may tatlo o higit pang kaso ng COVID-19.
Katuwang ng Philippine National Police (PNP) at barangay officials ang mga miyembro ng City Environment and Natural Resources Office, Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office, at Traffic and Parking Management Office upang ipatupad ang itinakdang health protocols ng Inter-Agency Task Force.
Aatasan ang mga ito na mag-isyu ng citations sa sinumang mahuhuling lalabag sa health and safety rules.
Iche-check din ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) inspection teams ang mga establisimiyento para malaman kung sumusunod ang mga ito sa IATF protocols. Susuriin din ang mga pampublikong palengke.
Sa ngayon ay pumalo na ng 269 ang naitatalang kaso ng deadly virus sa Pasay City, batay sa huling report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).