-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot sa mahigit 3,000 kilong nabubulok at mishandled na karneng manok sa loob ng van ang naharang ng City Veterinary Office sa labas ng Cogon market dito sa lungsod.

Nakasilid ang karne sa supot kung saan sa nasabing bilang, mahigit 1,000 kilo nito ay karneng manok na nangangamoy na dahil halos nabubulok na ang mga ito, habang higit 2,000 kilo naman ang ‘hot meat’ .

Ayon kay Dr. Darryl Rasay, Senior Meat Control Officer ng City Veterinary Office walang maipakita na meat inspection certificate ang drayber ng van.

Base sa report, galing ang karga nilang karne sa bayan ng Tagoloan sa Misamis Oriental at dadalhin sana patungong Marawi City.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung sino ang may-ari ng mga karne lalo pa’t nahaharap ito sa kasong paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.