Kabuuang 3,044 ang bilang ng mga banyaga ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa iba’t ibang ports sa buong bansa.
Sinabi ni BI Commissoner Jaime Morente, na 74 percent ang ibinaba nito sa bilang noong 2019 na 7,700.
Aniya, malaking factor pa rin sa pagbulusok ng mga naharang nilang mga banyaga ay dahil sa mas mahigpit na travel restrictions bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.
“As expected, there were fewer aliens excluded last year considering that passenger arrivals during that period dropped by a whopping 74 percent, mainly due to international travel restrictions imposed after the COVID-19 pandemic outbreak,” ani Morente.
Gayunman, sinabi ni Morente na sa kabila ng pandemic, patuloy pa rin daw ang mahigpit na pagbabantay ng mga BI personnel sa iba’t ibang ports sa bansa para hindi makapasok ang mga illegal aliens.
Ayon naman kay Atty. Candy Tan, BI Port Operations Division Chief, sa naturang bilang karamihan dito ay mga Koreans na may kabuuang bilang na 1,350 sinundad ng Chinese, 532; 333 Vietnamese, 247; Americans, 181; Indonesins at 180 Malaysians.
Nasa 53 percent ng mga pasaherong naharang ang may mga kaso habang 16 percent ang mga hindi dokumentado sa mga inilatag ng pamahalaan na travel restrictions.
Nasa 112 rin daw na banyaga ang napabalik sa kanilang bansa dahil kasama ang mga ito sa immigration blacklist habang 29 passengers naman ang naharang na dati nang na-deport ng Pilipinas dahil sa paglabang ng mga ito sa immigration laws.
Dagdag ni BI 18 foreign passengers din ang hindi na pinapasok sa bansa dahil sa kanilang pagiging bastos, unruly at discourteous sa mga immigration officers.