Sumampa na sa kabuuang 28,247 ang bilang ng mga barangay sa buong bansa ang deklarado nang drug free.
Ito ang kinumpirma mismo ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ang naturang numero ay batay sa datos ng ahensya mula Hulyo 1, 2022 hanggang ngayong Enero 31, 2024.
Ayon sa PDEA, aabot nalang sa 7,264 na barangay ang may presensya ng ilegal na droga.
Batay sa datos ng National Anti-Drug Campaign ng PDEA, pumalo na sa P31.98 bilyon ang kabuuang halaga ng mga iligal na droga na kanilang nakumpiska sa mga isinagawang operasyon.
Kabilang sa mga pinakamaraming nakumpiska ay ang shabu na umabot sa 4,317.46 kg, marijuana 3,197.19 kg, ecstasy 54,013 piraso, at cocaine 50.47 kg.
Batay pa sa ulat may isang clandestine laboratory ang nasira ng PDEA operatives at 856 na drug dens matapos ang walang patid na operasyon ahensya.
Umabot na rin sa 79,841 na drug personalities ang naaresto mula sa 58,496 na anti-drug operations na isinagawa nito.
Mula sa naturang numero, umaabot sa 5,366 dito ay high value targets.