-- Advertisements --
image 229

Umabot daw sa 21,000 na mga Pinoy ang bumisita sa Malacañang para sa Simbang Gabi at ang viewing ng Palace Christmas tree.

Kasama na rin dito ang lantern displays sa Kalayaan grounds.

Mula December 17 hanggang 24, nasa 2,895 ang dumalo sa Simbang Gabi.

Base sa report mula sa Presidential Security Group (PSG), nasa 14,988 Filipinos naman ang bumisita sa “Pailaw sa Kalayaan” mula December 18 hanggang 24.

Surpresa namang binisita ni Pangulong Marcos ang isang misa at masayang nakisalamuha sa mga kumakain doon ng puto bumbong, bibingka at chocolate drink.

Binuksan din ng Malacañang ang pinto para sa mga ordinaryong Pilipino na gustong Mag-Noche Buena doon.

Aabot naman sa 3,200 ang bumisita sa Kalayaan grounds sa Christmas Day ayon sa PSG.

Layon ng pagbubukas ng Malacañang na iparamdam sa sambayanan na maranasan ng mga Filipino children kabilang na ang mga nakatira sa area ang masaya at meaningful Christmas.

Sa Christmas message to the nation, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalagang ma-emphasize ng bawat isa ang totoong kahulugan ng holiday season at ito ay ang pagmamahalan.