Gamboa PNP chief

Pumalo na sa 234 na mga pulis na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, sa nasabing bilang dalawa lamang sa mga ito ang symptomatic o nakitaan ng sintomas ng virus.

Habang nananatili sa apat ang nasawi sa hanay ng PNP dahil sa nakamamatay na virus.

Sinabi ni Gamboa, nasa 69 pulis naman ang naka-recover na halos kalahati ay nagmula sa National Capital Region dahil sila umano ang pinaka-exposed sa pagbabantay sa mga quarantine control points.

Una nang ipinaliwanag ng PNP Health service na puspusan ang ginagawang mass testing sa mga police frontliners kung kaya’t inaasahang patuloy na lolobo sa mga susunod na araw ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid 19 mula sa kanilang hanay.