Nasa mahigit 200 beneficiaries na anak ng mga dating Maute-ISIS terrorists group na nagbalik loob sa gobyerno ang nabiyayaan ng tulong sa isinagawang outreach program and immersion ng mga participants ng Western Mindanao Command Regional Youth Leaders nuong July 28,2019 sa Lanao del Sur.
Ayon kay Wesmincom Civil Military Operations (CMO) chief Col. Gerry Besana, karamihan sa nabigyan ng tulong ay mga bata na mga estudyante ng Barangay Ragaya sa Butig.
Mga school supplies gaya ng ballpen, lapis,papel, notebook at iba pa ang ipinamahagi sa mga bata.
Personal namang nakausap ni Besana ang mga dating Dawlah Islamiyah-Maute fighters na pinamumunuan ni Commander Zacarria kung saan umaasa ang mga dating kalaban ng gobyerno na magiging maayos ang kanilang pamumuhay duon sa tulong ng pamahalaan.
Para naman sa mga kababayan natin duon mga traktora at mga binhi para sa kanilang pagsasaka ang ibinihagi.
” We went to Marawi and Butig. Nakakaawa mga families diyan,” wika ni Besana.
Ayon sa opisyal, sa ilalim ng “From arms to farms” program ng Philippine Army 103rd Brigade sa pamumuno ni BGen. Romeo Brawner kasama ang ibat-ibang humanitarian agencies ang nagtulong-tulong ngayon para sa muling itayo ang Butig partikular ang mga eskwelahan na nagka wasak-wasak ang bubong dahil sa giyera.
” I told them to work together, use their past experiences to learn, live and work in the present to stand up for the future of ther children and their community with support from all sectors of the society,” ani ni Col. Besana.