(Update) HANOI – Tinatayang 22 military personnel ang nawawala sa probinsya ng Quang Tri sa Vietnam matapos matabunan ng gumuhong lupa ang barracks ng 4th Military Region ngayong araw ng Linggo.
Ito’y ilang araw lamang matapos masawi rin sa landslide ang 13 katao na karamihan ay mga sundalo sa katabing probinsya lamang na Thua Thien Hue.
Dahil dito, naging emosyonal na ang deputy defence minister na si Phan Van Giang sa pagsasabing ngayon lamang sila nalagasan ng maraming buhay ng mga sundalo.
“We had another sleepless night,” saad ng nasabing deputy defence minister.
Gayunman, tatlo na umano ang narekober na katawan ng rescue team.
Nabatid na madalas nang dumanas ng malakas na pag-ulan ang Vietnam sa pagpasok pa lamang ng Oktubre na nagdulot na rin ng malawakang pagbaha at mudslides.