-- Advertisements --
PR printed ephilID

Mahigit dalawang milyong printed ePhillDs o digital version ng  Philippine Identification card ang inilabas na ng Philippine Statistic Authority.

Batay sa kabuuang bilang na inilabas ng naturang ahensiya, umabot sa 2,063,007 na printed Philippine Identification (PhillD) ang nakuha na umano ng mga
registrants sa kanilang mga PhilSys registration centers sa buong bansa.

Sinabi ng ahensiya na ito ay isang proactive na estratehiya upang mabigyang daan ang lahat ng nagparehistro na magamit ang mga benepisyo tulad na lamang ng mabilis at tuloy-tuloy na mga transaksiyon sa pag-access sa mga serbisyong pinansyal.

Nagpasalamat naman sa publiko ang National Statistician at Philippine Statistic Authority Civil Registrar General Undersecretary Dennis S. Mapa dahil sa pagtangkilik at pagsuporta nito.

Dagdag pa ng kalihim, makakakuha pa rin ng printed ePhilID ang mga registrants na mayroon ng physical card at ito ay libre lamang.

Siniguro ng ahensiya na ang ePhilID ay valid at sapat na patunay ng pagkakakilanlan ng sinumang mayari nito  sa anumang transaksyon sa gobyerno, financial institution at mga pribadong sektor.