Pumalo sa halos tatlong milyong ang Manila International Airport Authority (MIAA) na pasahero noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Manila International Airport Authority, humigit-kumulang 2,979,273 pasahero mula sa domestic at international flight nitong buwan lamang ng November 2022.
Sinabi ni MIAA Media Affairs Division Office inaasahang mado-doble ang naturang bilang ngayong buwan ng Disyembre dahil mas maraming Pilipino at foreign tourists ang magsimulang dumating ngayong Christmas holiday matapos luwagan ang travel restriction.
Ayon sa MIAA mula November 1 to 29 naitala ang 619,084 arrivals at 579,177 departure para sa international, habang 907,824 passengers arrivals at 873,248 para sa departure ng domestic traveller.
Nitong nakaraang Martes, daan-daang OFWs at foreign tourist ang umalis mula sa NAIA Terminal 3 patungong Middle East bilang ng kanilang connecting flight patungong Europe.
Nagdagdag na rin ng mga flight ang mga local air carrier para ma-accommodate ang pagdagsa ng mga pasaherong papaalis at paparating sa bansa ngayong Christmas season.