Naitala ng Department of Health (DoH) ang 2,018 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong linggo.
Ito na ang pinakamataas na daily tally sa loob ng halos limang buwan nang maitala ang 2,232 cases noong February 18.
Dahil sa bagong kaso, ang kabuuang bilang ngayon ng coronavirus cases sa bansa ay 3,718,467.
Ang mga naka-recover naman ay nadagdagan ng 1,147 at umakyat na sa kabuuang 3,644,009 ang mga nakarekober.
Ang mga namatay naman dahil sa virus ay umakyat na sa 60,640.
Sa ngayon ay nasa 13,818 ang aktibong kaso ng nakamamatay na virus.
Nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso ng covid sa nakalipas na linggo na mayroong 8,016 na sinundan ng Calabarzon na may 3,536 cases, Western Visayas na mayroong 1,535 cases, Central Luzon na may 1,444 cases at Central Visayas na mayroong 730 cases.