-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa higit 150 pamilya mula sa 2 bayan sa South Cotanato ang apektado din ng malakas na hangin at ulan dulot pa ng pananalasa ni Bagyong Paeng.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO OIC Head Rolly Aquino, mahigit 35 mga bahay ang partially at totally damage sa Barangay Tasiman, Lake Sebu na sinira ng malakas na hangin.

May mga kabahayan din na nasira sa Barangay Ned.
Habang nasa 116 na mga pamilya naman ang nasiraan ng bahay dahil din bagyo sa T’boli.

Ayon kay Aquino pinuntahan nila ang mga binagyong mga barangay kasama ang MDRRMC para magsagawa ng assessment sa pinsalang iniwan ng bagyo.

Paliwanag ni Aquino, naantala ang pagreport ng mga barangay officials sa mga LGU sa pinsala ng bagyo dahil nawalan ng kuryente at nasira ang mga daan pababa sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon, nabigyan na ng initial na tulong ang mga apektadong pamilya ngunit di pa nakakabalik sa kanilang nasirang mga tahanan.