-- Advertisements --
Batangas City PNP

Kinumpirma ng Batangas City Police Station na aabot sa 141 ba indibidwal sa naturang himpilan ng pulis ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Philippines sa Batangas police, ang naturang bilang consolidated na.

Ayon sa Batangas police, apat sa mga nagpositibo ay mga frontliners habang ang iba ay mga bilanggo.

Matapos naman ang pagkamatay ng isang bilanggo ay agad nang isinara ang naturang police station at nasa isolation na ang mga nag-positibo.

Patuloy naman umano ang pagsunod ng PNP Batangas sa mga health protocols para hindi na kumalat ang naturang virus sa naturang himpilan.