-- Advertisements --

Pumalo na raw sa mahigit 13,000 ang bilang ng mga pasaherong nagtungo sa iba’t ibang ports sa Metro Manila para magbakasyon ngayong Holy Week.

Sa pinakahuling data ng Philippine Coast Guard (PCG), sa ngayon ay mayroon nang 13,640 outbound passengers mula sa mga ports ang kanilang naitala.

Papalo naman sa 10,421 inbound passengers ang naitala.

Dahil sa inaasahan namang pagbuhos ng mga pasahero at ang seguridad ng mga biyahe ay nag-deploy na ang coast guard ng 1,965 personnel sa 15 PCG Districts para mag-inspect sa 156 vessels at 193 motorbancas.
Mayroon daw mga PCG personnel na nakadestino sa mga districts, stations at sub-stations habang naka-heightened alert ang status mula April 8 hangang 18 para umalalay sa pagbuhos ng mga pasahero sa mga ports ngayong Semana Santa.

Ang heightened alert daw ay diretso na hanggang summer vacation period o hanggang Mayo 31 dahil na rin sa inaasahang pagbuhos ng mga turistang bibiyahe sa pamamgitan ng mga sasakyang pandagat dahil sa mga recreational purposes.

Hinikayat naman ng PCG ang riding public na makipag-coordinate sa PCG sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o sa Coast Guard Public Affairs (0927-560-7729) para sa kanilang mga inquiries, concerns at clarifications kaugnay ng sea travel protocols at regulations ngayong Holy Week at summer vacation ngayong taon.