-- Advertisements --
health workers

Malapit na umanong maibigay ng Department of Health (DoH) ang special risk allowances (SRA) ng iba pang mga health workers sa bansa.

Ginawa ng DOH ang pagtiyak kasunod na rin ng mga protesta na inilunsad nitong araw.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega sa ngayon ay nasa 76 hanggang 78 percent na ng mga healthcare workers ang nabigyan ng kanilang mga SRA.

Tinatayang nasa 120,000 healthcare workers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang SRA’s.

Usec Leopoldo Vega

Aniya, nagsimula raw na maibigay ng DoH ang mga benepisyo para sa mga frontliners noong buwan ng Hunyo para sa private at public hospitals na nasa unang batch.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ng ilang grupo ng mga healthcare workers na magtutuloy-tuloy ang kanilang mga kilos-protesta.

Sinabi ni Eleanor Nolasco, Filipino Nurses United convenor, itutuloy nila ang malawakang protesta dahil kahit nabigyan na ng ultimatum ang Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 10 araw ay marami pa ring mga healthcare workers ang hindi nabibigyan ng kanilang mga benepisyo.

Samantala, sa kabila ng banta ng grupo na aaraw-arawin ang kanilang kilos protesta, nangako naman ang mga ito na sisiguruhin nilang masusunod pa rin ang minumum health standards na itinakda ng pamahalaan gaya ng pagsusuot ng facemasks, faceshield at pananatili sa social distancing.