-- Advertisements --

Inaasahan ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 12.7 million adolescents edad 12 hanggang 17 pagsapit ng Disyembre.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez target nilang tapusin ang pagbakuna sa mga menor de edad na mayroong pagsapit ng Disyembre para maprotektahan sila laban sa severe infection.

Sa ngayon, kabuuang 9,928 menor de edad na mayroong comorbidities ang bakunado na kontra COVID-19.

Nauna nang sinabi ng NTF na kailangan na kumuha muna ng clearance sa kanilang mga doktor ang mga batang magpapabakuna kontra COVID-19.

Obligado rin ang mga ito na magbigay ng kanilang consent at assent bago pa man mabakunahan laban sa nasabing respiratory disease.

Samantala, base sa latest data ng NTF, natukoy na aabot na sa 55 million doses ang naituturok ng pamahalaan.

Sa naturang bilang, mahigit 29 million ang nagamit sa first dose habang mahigit 25 million naman ang fully vaccinated na.