CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbalik loob sa gobyerno ang nasa 108 na mga miyembro at supporters ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Poblacion, Impasug-ong Bukidnon.

Sinabi ni 8th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ronald Illana, kabilang sa mga sumuko ang isang regular member ng NPA na si alyas Vargas, 27 militia ng bayan at 80 NPA underground mass organization members.

Ayon kay Illana sumuko umano ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang Community Support Program team at bitbit ang isang M16 rifle, anim na magazines loaded ng 148 rounds ng 5.56mm, isang S&W 375 revolver magnum at isang homemade shotgun.

Sa ngayon ay inihahanda na ang tulong pinansyal na ibibigay sa mga sumuko.