Hawak ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga bote ng hemp extract o liquid marijuana na nasabat sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Kasunod na rin ito nang pagkakakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA, PDEA at Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang 116 na bote ng liquid marijuana.
Nakasilid ang mga ito sa hemp extract sa 20 package.
Batay sa ulat, ang mga package ay idineklarang naglalaman ng dietary supplements na may iba’t ibang consignees.
Pero sa isinagawang 100 percent physical examination ng Customs examiner ay napigilan ang tangkang pagpupuslit sa ilegal na droga.
Nakumpirma rin sa chemical laboratory test ng PDEA na liquid cannabis ang laman ng mga package.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at case build-up laban sa mga indibidwal na lumabag sa Republic Act 9165 at Customs Modernization and Tariff Act.