-- Advertisements --

Aabot sa 10,369 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang umuwi ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil dito, pumalo na sa 78,809 OFWs ang umuwi ng Pilipinas magmula ng sinimulan ng pamahalaan ang repatriation efforts nito noong Pebrero 2020.

Nasa 47.16 percent sa naturang bilang o 37,166 OFWs ang sea-based at 52.84 percent naman o 41,643 OFWs ang land-based.

Sinabi ng DFA na karamihan sa mga kakauwi lang ng bansa ay nanggaling sa France, Netherlands, Qatar, Saudi Arabia, UAE, USA at Vietnam, na pawang dumating noong Biyernes lamang.

“The DFA continues to facilitate more flights from the Middle East which is home to over 2 million overseas Filipinos,” saad ng DFA.