Sinisikap ngayon ng CHEd na matulungan ang 1,087 estudyante at faculty na stranded abroad na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa virtual hearing ng House Committee on Higher and Technical Education, sinabi ni CHEd chairman Prospero De Vera na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa OWWA at DFA patungkol dito.
Sa ngayon, 147 pa lamang aniya ang nakauwi ng bansa, habang 76 pa ang naghihintay para sa kanilang repatriation.
Sinabi ni De Vera na hindi nakauwi kaagad ng Pilipinas ang naturang mga estudyante at faculty dahil sa kanilang ongoing internship.
Mababatid din na sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public transportation makaraang isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon noong Marso.
Kaya ayon kay De Vera, umaasa na lamang sila sa mga sweeper flights ngayon para sa repatriation ng mga apektadong estudyante at faculty.
















