-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang assessment ng lokal ng pamahalaan sa kalagayan ngayon ng mga pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa lungsod kahapon.
Tinatayang nasa mahigit 1,000 pamilya na apetkado ng pagbaha sa walong barangay malapit sa Davao River ang inilikas.
Walang namang naitalang casualty ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Ayon kay CDRRMO head Head Alfredo Baloran, sa mahigit 1,000 pamilya na apektado ng pagbaha, 967 dito ang mga residente na naninirahan sa malapit sa Davao River sa Barangay Tigatto, Bankerohan, at Ma-a nitong lungsod.