-- Advertisements --
95217652 2971333702921438 6223338815117852672 n 1

DAVAO CITY – Tinatayang aabot ng mahigit 1,000 indibidwal ang inaresto ng mga otoridad sa loob lamang ng isang araw dahil sa paglabag sa guidelines sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Digos City.

Kasali na dito ang ilang senior citizens at mga menor de edad na hindi sumunod sa social distanciing dahil excited umanong mamasyal matapos buksan ang mga malls at iba pang mga non essential establishment sa naturang lugar.

Inihayag ng Digos City Police Police, ang malawakang pag-aresto ay kasabay ng kanilang inilunsad na Oplan Patagam matapos mapansin ang paglabas ng maraming mga residente isang linggo matapus nag-shift ang Digos City mula enhanced community quarantine patungong GCQ noong nakaraang Sabado.

Iilang paglabag na nagawa ng mga residente ay ang hindi pagsuot nga face mask, social distancing, curfew at hindi pagdala ng quarantine pass.

Matapos pinangaralan, pinatawan na ng community service ang mga ito.