-- Advertisements --

Nasa kabuuang 1,636 na katao na ang naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), kinabibilangan ito ng 1,589 na sibilyan, 23 security guards, 15 police officers at siyam na military personnel.

Nasa 1,516 police operations naman ang naisagawa at nasa 1,268 na mga baril na ang nakumpiska habang 7,106 na piraso ng bala rin ang narekober at nakasabat din ang PNP ng 586 deadly weapons.

Base sa latest na data, kabilang daw satop five regions na mayroong naarestong violators ang National Capital Region na may lumabag na 536, Central Visayas may 171, Central Luzon mayroong 116, Calabarzon nasa 173 at Western Visayas na may kabuuang 93.

Base pa rin sa Comelec Resolution No. 10728, ngayong election period, bawal ang pagdadala at pagbiyahe ng mga baril at deadly weapons sa labas ng bahay at sa mga public places simula Enero 9 hanggang Huyo 8.

Exempted naman dito ang mgalaw enforcers pero dapat ay mayroong authorization mula sa Comelec at kailangan ay nakasuot ang mga ito ng kanilang agency-prescribed uniform habang nakabitbit ng mga baril.

Ang mga lalabag ay puwedeng makulong nang hanggang anim na taon.