Inihayag ng Manila International Airport Authority na inaasahan na ang hanggang 42 milyong pasahero ngayong taon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay Manila International Airport Authority general manager Cesar Chiong, ngayong holy week, ay tinatayang nasa 1.2 million na mga travellers naman ang dadating sa NAIA.
Aniya, magsisimula na kasing dumagsa ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong darating na Semana Santa.
Ang NAIA at iba pang paliparan sa bansa ay nakahanda na sa pagdagsa ng mga pasahero at nakapagtalaga na din ng mga karagdagang personnel upang mag-assist sa mga pasahero.
Dagdag ni Chiong, na ang mga pasaherong may international flight ay dapat nasa paliparan na apat na oras bago ang kanilang schedule na paglipad.
Habang ang may mga domestic flight naman, ay dapat nasa airport na dalawang oras bago ang natakda nilang pag-alis.
Mahigpit na nagpapaalala ang Manila International Airport Authority na sumunod sa mga alituntunin ng airport upang makaiwas sa anumang pagkadelay o anumang posibleng insidente.