-- Advertisements --
IMG 20200213 201925 1

Inanyayahan ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga residente ng Manila maging ang ibang naninirahan sa labas ng lungsod ng Maynila na ipasyal ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Valentine’s Day sa dancing ng fountain sa Bonifacio Shrine na malapit sa Manila City Hall.

Ang multi-million high-tech, interactive, musical, dancing ay katatapos lamang pasinayaan noong isang gabi.

Makikita sa fountain site ang makulay na water jets na sinasabayan ang buhay na buhay na Filipino musical.

Ang dancing fountain ay may taas na 20 feet o pitong metro at ang lumalabas na kulay naman ay ang kulay na Philippine flag.

Ang fountain ay karagsagang attraction sa napaganda ng Bonifacio Shrine area na ngayon ay paborito nang destinasyon ng mga foreign at local tourists.