-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni Olympic champion Hidilyn Diaz na nagkaroon ito ng suliranin ng pondo para sa mga paparating na torneo na kaniyang sasalihan.

Sinabi nito na ang pondo ay ilalaan para sa kompetisyon para ito ay makapag-qualify sa 2024 Paris Olympics Games.

Inihalimbawa nito ang nalalapit na kumpetisyon na sasalihan niya kung saan ang one-way ticket airfare ay aabot sa P100,000 sa Colombia para sa IWF World Championships.
May ilang professional fee din ang na babayaran ito sa mga coaches.

Paglilinaw nito na mayroong ibang incentives itong natanggap noong magwagi siya ng gold medal sa Tokyo Olympics na kaniyang gagamitin para sa ibang mga torneo.

Umaasa ito na mapakinggan siya ng Philippine Sports Commission para matugunan ang pondo para sa kaniyang paglahok sa ibang torneo.

Nakatakdang magtungo na sa US si Diaz sa mga susunod na linggo para sa paghahanda sa World Championships sa Colombia sa buwan ng Disyembre.