-- Advertisements --
Nasa final phase ng training na si Hidilyn Diaz para sa huling Paris Olympic qualifying event.
Gaganapin kasi sa Marso 31 hangang Abril 11 ang World Cup qualifiers sa Phuket, Thailand.
Sinabi ni Samahang Weightlifting Ng Pilipinas president Monico Puentevella, na bukod kay Diaz ay may malaking tsansa rin na makapasok sa Paris Olympics ang ilang mga weightlifters na sina Vanessa Sarno , Rosegie Ramos at John Fabuar Ceniza.
Malaking hamon ngayon kay Diaz dahil tinanggal na ang 55 kgs. event kaya umakyat na ito ng timbang sa 59 kgs.