Nagpaabot ng kanyang pagbati si Hidilyn Diaz kay Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng silver medal ang naturang Pilipinang boksingero sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics.
Ang panalo ni Petecio ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Summer Games kasunod nang gold medal finish ni Diaz sa women’s weightlifting.
Pinuri ni Diaz ang silver medal finish ni Petecio, at sinabi rin na ang Pinay boxer ang panalo sa puso ng lahat ng mga Pilipino.
Nagpasalamat din ito kay Petecio dahil sa dangal na ginawa nito para sa Pilipinas.
Ang panalo ni Petecio ang kauna-unahang silver medal ng Pilipinas sa larangan ng boxing sa Olympics magmula noong 1996.
Ito rin ang ika-anim na medalya ng Pilipinas sa Olympics magmula nang manalo ng bronze si Jose Villanueva noong 1932.