-- Advertisements --

Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nalalapit na niyang pagtatapos sa kolehiyo.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang Pinay weightlifter ng larawan habang nasa College of St. Benilde.

Sinabi nito na may iilang mga requirement na lamang ang kailangan para sa kaniyang pagtatapos ng korsong Business Management.

Nag-aral sa nasabing kolehiyo si Diaz matapos na magwagi ito ng silver medal sa Rio Olympics 2016.

Noong Nobyembre 2022 ay isinumite ng 32-anyos ang knaiyang thesis.