-- Advertisements --

Handang-handa na si Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kaniyang women’s 55 kgs weightlifting title sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Magsisimula ang laro ni Diaza dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center.

Sinabi ni Diaz na hind naging madali ang kaniyang ginawang preparasyon.

Itinuring nito na matinding katunggali ang pambato ng Thailand na si Tanasan Sanikun dahil nagwagi ito ng gold medal noong 2016 Rio Olympics.

Tinalo niya si Diaz noon 53kg. category ng 2017 World Championships sa California.

Nasa Vietnam na ang 31-anyos na si Diaz mula pa noong nakaraang linggo para doon isagawa ang kaniyang training.

Mahigpit siyang binabantayan ng kaniyang head trainer na si Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro at sports psychologist Karen Trinidad.