-- Advertisements --

Walang umanong balak na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ang Olympic gold medalists na si Hidilyn Diaz.

Ito ang kanyang paglilinaw matapos siyang sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ng political stock.

Para kay Diaz, mahirap maging public servant dahil ay marami ka pang dapat matutuhan at marami rin ang umaasa ng iyong magagawa.

Pero sinabi nitong tutulong siya sa ating mga kababayan sa kaniyang sariling pamamaraan.

Gayunman, hindi na nito idinetalye ang kaniyang mga plano.

Pero ibinahagi naman nito ang pagnanais na makasali sa paparating na South East Asian (SEA) games at sa Weightlifting World Championship sa mga susunod na buwan.