landmark roxas kobe bryant tribute

ROXAS CITY – Nagpakita rin ng pakikiramay ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Roxas sa pagkamatay nang tinaguring The Black Mamba na si Kobe Bryant.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapailaw ng purple at gold sa ilang heritage landmarks sa lungsod.

Kabilang rito ang President Manuel Roxas Monument, Ang Panublion Museum, Roxas City Hall, Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral, Jose Rizal Monument, Roxas City Bridge, Rotonda Fountain at Bandstand Gazebo.

Ang pagpapailaw ng naturang mga landmarks ay nagpapakita nang pagbigaypugay sa yumaong basketball superstar.

Hindi naman maikakaila na maraming mga Capizeño ang naapektuhan sa pagkamatay ni Kobe lalo na ang mga basketball fans nito.