-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang National Police Agency Head ng Japan.
Ito ay matapos ang pag-amin ng kakulangan sa naganap na pag-assasinate kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sinabi ni Itaru Nakamura, na kaniyang inaako ang responsable sa pagkamatay ni Abe noong Hulyo 8.
Magugunitang binaril si Abe habang nagtatalumpati sa lungsod ng Nara ng 41-anyos na suspek na si Tetsuya Yamagani.
Iniuugnay ng suspek si Abe sa isang religious group na ikinasira ng buhay ng ina nito.