-- Advertisements --
Lumawak pa ang mga lugar na apektado ng habagat na pinaigting ng typhoon Henry.
Ayon sa Pagasa, halos buong Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin hanggang sa may mga biglaang buhos ng ulan.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 360 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at pagbugsong 185 kph.
Mabagal pa rin ang pagkilos nito pahilaga ngunit unti-unti na itong lumalayo sa ating bansa.
Umiiral pa rin ang signal number two (2) sa Batanes, habang signal number one (1) naman sa Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan o Santa Ana area.